Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-29 ng Abril 2019, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Sinabi ni Li, na nitong ilang taong nakalipas, malusog at matatag na sumusulong ang relasyon ng Tsina at Singapore, nagdudulot ng positibong bunga ang pag-a-upgrade ng kasunduan sa malayang kalakalan ng dalawang bansa, at mabuti ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Singapore, na pabilisin ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), tapusin sa nakatakdang iskedyul ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct sa South China Sea (COC), at palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa loob ng balangkas ng Tsina-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Positibo naman ni Lee sa mahalagang papel ng upgraded version ng kasunduan sa malayang kalakalan ng Singapore at Tsina. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Singapore, na aktibong lumahok sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at patuloy na magbigay ng ambag sa pagpapasulong ng relasyong ASEAN-Sino.
Salin: Liu Kai