Sa magasing Qiushi o "Seeking Truth" na inilathala ngayong araw, Miyerkules, Mayo 1, 2019, inilabas ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa ng iba't ibang sibilisasyon.
Sa artikulo, binigyang-diin ni Xi, na dapat itaguyod ang paggalang at maharmonyang pakikipamuhayan sa isa't isa ng iba't ibang sibilisasyon. Dagdag niya, dapat ding pasulungin ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa ng iba't ibang sibilisasyon, bilang tulay ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, lakas na tagapagpasulong sa progreso ng lipunan ng sangkatauhan, at bigkis ng kapayapaan ng buong mundo.
Sinabi rin ni Xi, na sa landas ng pagtutupad ng Chinese Dream, pinasusulong ng mga mamamayan ng Tsina ang sibilisasyong Tsino, para ipagkaloob nito, kasama ng makukulay na mga sibilisasyong nilikha ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng daigdig, ang tumpak na patnubay na ispiritual at malakas na puwersang ispiritual sa sangkatauhan.
Salin: Liu Kai