Nakatakdang idaos ngayong buwan sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC). Kaugnay nito, sinabi ni Vikram Misri, Embahador ng India sa Tsina, na lalahok ang delegasyon ng kanyang bansa sa gaganaping pulong, at umaaasa siyang mapapasulong nito ang diyalogong pansibilisasyon at pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Embahador Misri, bilang makasaysayang bansang Asyano, matagal na ang pagpapalitan ng Tsina't India. Naniniwala aniya siyang ang idaraos na komperensiya ay magpapalakas ng pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at magpapatibay ng kanilang tradisyonal na pagkakaibigan. Ito rin aniya ang magandang pagkakataon para mapahigpit ang kasalukuyang pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalan, turismo, kultura, edukasyon, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio