Ayon sa media ng Iran nitong Lunes, Mayo 13, 2019, ipinahayag nang araw ring iyon ni Behrouz Kamalvandi, Tagapagsalita ng Atomic Energy Organization ng Iran (AEOI), na kung muling isusumite ang isyung nuklear ng Iran sa United Nations (UN) Security Council, posibleng lubusang tatalikod ang kanyang bansa sa kasunduan ng isyung nuklear. Aniya pa, isasagawa ng Iran ang mga aktuwal na hakbangin para ipagtanggol ang kapakanan ng mga mamamayan at bansa.
Noong Mayo 8, sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagdeklara ni US President Donald Trump ng unilateral na pagtatalikod sa kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, ipinatalastas ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang pagsuspendi ng pagtutupad ng bahaging probisyon ng kasunduang ito. Ngunit iginiit niya ang pangakong ituloy ang limitasyon sa uranium enrichment activity.
Salin: Li Feng