Sinipi nitong Lunes, Mayo 13, 2019 ng New York Times ng Amerika ang pananalita ng opisyal ng Amerika na nagsasabing isinumite na sa White House ni Patrick Shanahan, pansamantalang Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Estados Unidos, ang plano ng aksyong militar laban sa Iran. Aniya, kung aatakehin ng Iran ang tropang Amerikano o pabibilisin nito ang pagsubok-yari ng sandatang nuklear, ipapadala ng Amerika ang mga 120 libong sundalong Amerikano sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Ayon sa opisyal ng Amerika, walang anumang kaugnayan ang nasabing plano sa panlupang aksyong militar. Hanggang sa ngayon, hindi pa natiyak kung alam o hindi ni Donald Trump ang detalye ng planong ito.
Salin: Li Feng