|
||||||||
|
||
Inilabas kamakailan ni Peter Salovey, Presidente ng Yale University, ang bukas na liham kung saan ipinahayag niya ang pagkabahala sa maigting na relasyong Amerikano-Sino at paghihigpit sa pagsusuri sa pagpapalitang akademiko ng dalawang bansa nitong ilang araw na nakalipas. Ipinagdiinan niya na ang pagbubukas ay susi ng makabagong unibersidad ng Amerika sa pagtatamo ng napakalaking tagumpay. Ito rin aniya ay palagiang sagisag ng Yale University.
Ipinakikita ng nasabing liham na ang pagpapalitang pangkultura, isa sa mga sandigan ng relasyong Sino-Amerikano, ay kasalukuyang nahaharap sa palaki nang palaking banta mula sa mga personaheng Amerikano na may "Victim Paranoia." Ang mga nagwang pananalita at kilos ng ilang politikong Amerikano nitong isang taong nakalipas, ay lubos na magkapareho sa mga pagpapakita ng "Victim Paranoia." Itinataas nila ang malaking watawat ng unilateralismo at proteksyonismo, at itinuturing ang Tsina bilang kalaban, binabatikos ang Tsina na nagsasagawa ng "ekonomikong pananalakay," sinisiraang-puri ang Tsina na di-umano ay "nagnanakaw," at higit sa lahat, walang katotohanang pinararatyangan ang mga Tsinong mag-aaral bilang "espiya."
Ang relasyon sa pagitan ng mga bansa ay batay sa pagpapalagayan ng kanilang mga mamamayan. Ang mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ay pinag-uugatan at susi ng relasyon sa pagitan ng mga bansa, at ang pundasyon ng mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay konektibidad ng mga puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa mas maraming larangan.
Ngunit, ang mga politikong Amerikanong may "Victim Paranoia" ay walang tigil na nagdudulot ng mga hadlang sa relasyong Sino-Amerikano, bagay na grabeng nakakaapekto sa pundasyon ng relasyong ito. Sa pagdinig ng Senado, ipinahayag ni Christopher Wray, Puno ng Federal Bureau of Investigation (FBI), na nagdudulot ang Tsina ng "banta sa buong lipunang Amerikano," at kailangang gawin ng buong lipunan ang reaksyon." Maliwanag na layon ng walang batayang pananalitang ito na magkaroon ng "sakit ng pagkatakot sa Tsina" ang mga mamamayang Amerikano at likhain ang umano'y pagkatig ng "mithiin ng mga mamamayan" sa kanilang walang katinuang aksyon.
Sa naturang bukas na liham, ipinagdiinan din ni Peter Salovey na sa pamamagitan ng pag-enroll ng mga mahusay na estudyante at iskolar sa Yale University, mapapasulong ang tungkulin at misyon ng unibersidad na "pabutihin ang kasalukuyang daigdig, at bigyang-benepisyo ang mga susunod na henerasyon." Inulit din niya na tulad ng dati, winiwelkam ng Yale University ang mga dayuhang estudyante at iskolar.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |