Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Diplomasya ng Amerika, wala sa kontrol dahil kay John Bolton

(GMT+08:00) 2019-05-26 15:06:08       CRI

Ipinalabas kamakailan ni Tom Nichols, Propesor ng Akademyang Militar ng Hukbong Pandagat ng Amerika, ang isang artikulo sa pahayagang "USA Today," kung saan isinagawa niya ang analisis sa diplomatikong kilos ng Amerika nitong ilang araw na nakalipas. Ayon kay Nichols, wala sa kontrol ang patakarang diplomatiko ng Amerika. Dagdag niya, nakikita kamakailan, sa mga diplomatikong okasyon si John Bolton, National Security Advisor ni US President Donald Trump.

Makaraang umakyat sa puwesto, isinagawa ni Bolton ang ilang aksyong diplomatiko na kinabibilangan ng pagpilit sa Kagawaran ng Tanggulang Bansa na gumawa ng planong militar laban sa Iran; panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Venezuela; paglalabas ng walang batayang batikos sa Rusya at Tsina, at iba pa. Ang mga ito ay patunay na makatwiran ang pagkabahala ni Nichols. Ang diplomasyang Amerikano sa pamumuno ni Bolton, ay wala sa kontrol.

Bilang pangunahing American War Hawk representative, minsa'y inilabas ni Bolton ang kanyang opinyon nang manungkulan siya bilang pirmihang kinatawang Amerikano sa United Nations (UN), at ayon sa kanya, "The United States makes the UN work when it wants it to work, and that is exactly the way it should be, because the only question, the only question for the United States is what is in our national interest. And if you don't like that, I'm sorry, but that is the fact." Bukod dito, maraming beses niyang inihayag sa mga media ng Amerika na dapat bigyang-dagok ang Hilagang Korea at Iran sa paraang militar.

Sa katotohanan, hindi lamang si Bolton, kundi sina Mike Pompeo, Peter Navarro, at iba pang matigas na "War Hawk," ay ang kumokontrol sa patakarang diplomatiko ng White House. Hangarin nilang ipagpatuloy ang hegemonya ng Amerika sa daigdig. Pero hindi nila batid na ang kasalukuyang daigdig ay nakakaranas ng walang-katulad na pagbabago, at ang kanilang kayabangan ay hindi makaka-apekto sa pangkalahatang tunguhin ng pag-unlad ng siglo.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>