|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo dito sa Beijing, ika-30 ng Mayo, si Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga dayuhang graduate studentes ng China Women's University. Pinakinggan ni Peng ang kanilang kaisipan ng pamumuhay sa Tsina. Umaasa siyang sa hinaharap, ang mga dayuhang estudyante ay magiging tunay na tulay sa pagitan ng Tsina at kanilang bansa, at magbibigay ng ambag para sa pagpapasulong ng usapin ng buong kababaihan sa daigidg at pagtatatag ng Community with a Shared Future for Mankind.
Sa pagtatagpo, binigkas ng mga dayuhang estudyante ang tulang Tsino, at inawit ang katutubong awitin na Molihua o Sampaguita.
Sa 2015 Global Leader's Meeting on Gender Equality and Women's Empowerment, inilabas ni Pangulong Xi na ang paanyaya sa 30 libong kababaihan ng umuunlad na bansa na pumunta sa Tsina. Para isakatuparan ang naturang mungkahi ni Pangulong Xi, itinaguyod ng China Women's University ang proyekto ng International Master's Degree na tinawag na "Pamumuno ng mga kababaihan at Pag-unlad ng lipunan." Kamakailan, ang ilang dayuhang postgraduates ay nagsulat ng liham kina Pangulong Xi at Propesor Peng, para pasalamatan ang kanilang tulong.
Ipinahayag ng kinatawan ng mga dayuhang postgraduates na sa panahon ng pag-aaral sa Tsina, nalaman nila ang maunlad na teknolohiya at ideya ng pag-unlad, at nalaman ang masaganang kultura at mahabang kasaysayan ng Tsina. Pagbalik sa kanilang bansa, tiyak na gagamitin nila ang kaalaman at teknolohiya na inaral sa Tsina sa kanilang trabaho at praktika, para pasulungin ang pag-unlad ng usapin ng kababaihan, at tiyak na magbibigay ng ambag para sa kooperasyon ng kanilang bansa at Tsina.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |