Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Audrey Azoulay, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), na bilang espesyal na sugo ng UNESCO sa pagpapasulong ng edukasyon ng kabataang babae at kababaihan, napakahalagang papel ang ginagampanan ng asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na si Peng Liyuan. Pinapurihan ng UNESCO ang pangmalayuang partnership nito sa Tsina.
Noong Marso 27, 2014, bumisita si Peng sa punong himpilan ng UNESCO. Dahil sa kanyang mga ibinibigay na ambag sa mga aspektong gaya ng pagpapaunlad ng mabuting edukasyon, pagbibigay-tulong sa pagsasarili at pagpapalakas ng sarili ng mga batang babae at kababaihan, at pagbabawas ng di-pagkakapantay-pantay sa edukasyon, ginawaran siya ng titulong pandangal bilang "espesyal na sugo ng UNESCO sa pagpapasulong ng edukasyon sa mga kabataang babae at kababaihan."
Ani Azoulay, ang pagbisita ni Xi at Peng sa UNESCO noong Maso ng 2014, ay sumagisag ng pagpasok ng kooperasyon ng Tsina at UNESCO sa isang bagong mahalagang yugto. Bukod sa edukasyon, mayroong ding maraming proyektong pangkooperasyon ang Tsina at UNESCO na tulad ng pangangalaga at pagkukumpuni sa mga pamanang pandaigdig sa Aprika, at Artificial Intelligence (AI).
Salin: Li Feng