Nagbigay-utos kamakailan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, tungkol sa gawain ng garbage classification. Ipinagdiinan niya na ang pagsasagawa ng garbage classification ay may kaugnayan sa kapaligirang pampamumuhay ng mga mamamayan, at sa pagtitipid ng mga yaman. Ito rin aniya ay isang mahalagang pagpapakita ng lebel ng sibilisasyon ng lipunan.
Tinukoy ni Xi na kung nais pasulungin ang garbage classification, dapat palakasin ang siyentipikong pangangasiwa para mabuo ang pangmatagalan at mabisang mekanismo at mapasulong ang pagkakaroon ng kaugalian. Dapat aniyang isagawa ang malawakang kaukulang edukasyon para malaman ng mga mamamayan ang kahalagahan at pangangailangan ng pagsasagawa ng garbage classification. Layon nitong hiyakatin ang mas maraming mamamayan na kumilos upang magkaroon ng mabuting kaugalian para magkakasamang makapagbigay ng ambag sa luntian at sustenableng pag-unlad ng buong bansa.
Salin: Li Feng