Dumalo at nagtalumpati kahapon, Biyernes, ika-7 ng Hunyo 2019, sa St. Petersburg, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa sesyong plenaryo ng Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF).
Ipinahayag niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na magbukas ng bagong landas ng sustenableng pag-unlad, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng bukas at multilateral na kabuhayang pandaigdig, pagtatatag ng inklusibong lipunang nagdudulot ng pakinabang sa lahat, at paglikha ng tahanang may maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Sinabi rin ni Xi, na ang sustenableng pag-unlad ay "gintong susi" sa paglutas ng kasalukuyang mga pandaigdigang problema. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang iba't ibang panig, batay sa ideya ng sustenableng pag-unlad at responsibilidad ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, para itaguyod ang multilateralismo, pabutihin ang pandaigdig na pangangasiwa, pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at katahimikan ng mundo, at likhain ang mas masagana at magandang daigdig.
Salin: Liu Kai