Nilagdaan ngayong araw, Biyernes, ika-7 ng Hunyo 2019, sa St. Petersburg, Rusya, ng China Media Group (CMG) at Roscongress Foundation ang kasunduan sa kooperasyong estratehiko. Samantala, inilabas din ang isang video series tungkol sa mga sister city ng Tsina at Rusya.
Ang paglalagda sa kasunduan ay sinaksihan nina Wang Xiaohui, Pangalawang Puno ng Publicity Department ng Partido Komunista ng Tsina; Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at Volin Alexei Konstantinovich, Pangalawang Ministro ng Communications at Mass Media ng Rusya.
Batay sa kasunduan, palalalimin ng naturang dalawang organisasyon ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng St. Petersburg International Economic Forum at Eastern Economic Forum.
Salin: Liu Kai