Sa kanyang talumpati sa sesyong plenaryo ng Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum na idinaos kahapon, Biyernes, ika-7 ng Hunyo 2019, sa St. Petersburg, Rusya, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig at isang responsableng bansa, buong tatag na iginigiit ng Tsina ang pagtupad ng mga pangako sa sustenableng pag-unlad, at lubos din nitong pinahahalagahan ang pagpapalakas ng pandaigdig na kooperasyon para sa sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai