Sa kanyang talumpati sa sesyong plenaryo ng Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum na idinaos kahapon, Biyernes, ika-7 ng Hunyo 2019, sa St. Petersburg, Rusya, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa, kasama ng komunidad ng daigdig, na magbukas ng bagong landas ng sustenableng pag-unlad, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng bukas at multilateral na kabuhayang pandaigdig, pagtatatag ng inklusibong lipunang nagdudulot ng pakinabang sa lahat, at paglikha ng tahanang may maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Salin: Liu Kai