Idinaos kahapon at ngayong araw, ika-9 at ika-10 ng Hunyo 2019, sa Bangkok, Thailand, ang dalawang konsiyerto ng guqin, tradisyonal na instrumentong musikal ng Tsina na may mahigit 3 libong taong kasaysayan.
Ipinahayag ni Gu Hongxing, Puno ng China Cultural Centre sa Bangkok, tagapag-organisa ng naturang aktibidad, na ang tradisyonal na instrumentong musikal ay naging mahalagang elemento ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Thailand. Halimbawa aniya, nag-aral minsan sa loob ng mahigit 20 taon ng guzheng, isa pang tradisyonal na instrumentong musikal ng Tsina, si Princess Chulabhorn ng Thailand, at dahil dito, naging popular ang naturang instrumento sa Thailand.
Salin: Liu Kai