Sinimulan Pebrero 24, 2019, sa Lunsod ng Kunming, Yunnan, Tsina, ang paglalakbay ng komboy ng pagkakaibigan ng Tsina at Thailand sa Lalawigang Yunnan at Guizhou ng Tsina.
Sa 6 na araw, daraan ang komboy sa lalawigang Yunnan, patungong lalawigang Guizhou magkapit-probinsya sa timog kanluran ng Tsina.
Ipinahayag ni Yuthasak Supasorn, Puno ng Kawanihan ng Turismo ng Thailand na ang aktibidad na ito ay magpapahigpit ng kooperasyon ng pagpapalitan ng mga tauhan sa sirkulo ng turismo ng dalawang bansa, at gaganap ng positibong papel para sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Thailand at Tsina. Ang aktibidad na ito ay itinaguyod ng Kawanihan ng Turismo ng Thailand.
Salin:Lele