Mula ika-20 hanggang ika-21 ng buwang ito, sa paanyaya ni Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea, isasagawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang dalaw-pang-estado sa Hilagang Korea.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Lunes, ika-17 ng Hunyo 2019, ni Song Tao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, na ito ay isa pang pagdalaw ng pinakamataas na lider ng partido at estado ng Tsina sa H.Korea mula 2005, at ito rin ang unang pagdalaw ni Xi sa bansang ito bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina. Sa taong ito na ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at H.Korea, ang nasabing biyahe ay mahalaga sa relasyon ng dalawang bansa, dagdag ni Song.
Salin: Liu Kai