Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping at Kim Jong Un, nagtagpo sa Beijing

(GMT+08:00) 2018-06-20 12:06:47       CRI

Nag-usap noong ika-19 ng Hunyo, 2018, dito sa Beijing sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino at Kim Jong Un, dumadalaw na Tagapangulo ng Workers' Party of Korea (WPK) at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea. Tunay at malalim na nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa relasyon ng Tsina at Hilagang Korea at kalagayan ng Korean Peninsula. Buong pagkakaisa nilang ipinalalagay na dapat pasulungin ang mainam na tunguhin ng kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula, at magbigay ng ambag para sa pangangalaga ng kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Tinukoy ni Xi na masaya siya sa pagtatagpo nina Kim Jong Un at Donald Trump, Pangulo ng Amerika sa Singapore. Aniya pa, nagtamo ito ng mga positibong bunga hinggil sa pagsasakatuparan ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at pagtatatag ng pangmatagalang mekanismo ng kapayapaan. Mataas itong pinahahalagahan ng Tsina, dagdag ni Xi.

Binigyan-diin ni Xi na pinahahalagahan ng CPC at pamahalaan ng Tsina ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Hilangang Korea. Ang paninindigan ng Tsina sa pagpapahigpit ng relasyon ng dalawang bansa ay hindi magbabago, sinabi ng pangulong Tsino.

Kumakatig aniya ang Tsina sa mahalagang kapasiyahan ng Hilagang Korea, na gawing priyoridad ang pagpapaunlad ng kabuhayan.

Nagpahayag naman si Kim ng pasasalamat sa pagkatig at pakikipagkaibigan ni Xi Jinping at ng CPC, pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa WPK, pamahalaan at mga mamamayan ng Hilagang Korea. Tiyak aniyang maisasakatuparan ang mga komong palagay na narating nila ni Xi hinggil sa pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>