Lumisan ng Beijing ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalawang araw na dalaw-pang-estado sa Hilagang Korea (DPRK). Ginawaga ng pangulong Tsino ang biyahe sa paanyaya ni Kim Jong Un, Kataas-taasang lider ng DPRK.
Kasama sa entorahe ni Xi sina Unang Ginang Peng Liyuan; Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina; He Lifeng, Puno ng National Development and Reform Commission (NDRC).
Salin: Jade
Pulido: Rhio