|
||||||||
|
||
Hiniling sa iba't ibang panig ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pulitikal ng bansa, na buong sikap na pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng paggawa ng bansa.
Sa ika-7 pulong ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 Pambansang Komite ng CPPCC, na ipininid nitong Miyerkules, Hunyo 19, sa Beijing, sinabi ni Wang, na ang industriya ng paggawa ay naglalatag ng pundasyon ng bansa at napakasusi rin nito sa pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Dagdag pa ni Wang, bunga ng industriyalisasyon ng bansa na pinabibilis ng pambansang reporma't pagbubukas sa labas, ang Tsina ay nagiging pinakamalaking bansa sa sektor ng paggawa.
Diin din niya, sa kabila ng masalimuot na kalagayang panloob at panlabas, ang mainam na sistemang industriyal ng Tsina, malaking pamilihan nito, at malakas na lakas-manggagawa o human capital ay ibayo pang magpapasigla ng sektor ng paggawa ng bansa.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |