Ayon sa datos na isinapubliko nitong Miyerkules, Abril 17, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 21.3 trilyong Yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina na mas malaki ng 6.4% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Mas mabuti naman kaysa inaasahan ang mga pangunahing economic index na tulad ng paghananap-buhay, presyo ng paninda, at kita. Ang mga ito ay nagpapakita ng mainam na simula sa taong ito ng kabuhayang Tsino. Ito ay hindi lamang nakakapagpasigla sa kompiyansa ng pamilihan, kundi nakakapagbigay rin ng mainam na pundasyon para maisakatuparan ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayan sa buong taon.
Sa kabuuan, nakikita ang tatlong malinaw na katangian ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter: una, nagiging mas malinaw ang matatag na tunguhin ng paglaki; ikalawa, nagiging mas mabuti ang estrukturang pangkabuhayan; ikatlo, nagiging mas malakas ang kompiyansa sa pamilihan.
Sa kalagayan ng paglala ng trade conflict at pagtaas ng di-tiyak na elemento sa paglaki ng kabuhayan sa buong mundo, talagang di madaling nakuha ng kabuhayang Tsino ang nasabing progreso. Sa pinakahuling "Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig" na inilabas ng International Monetary Fund (IMF), ibinaba nito ang inaasahang paglaki ng kabuhayang pandaigdig, ngunit itinaas nito ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino. Ito ay nagpapakitang patuloy na magiging puwersang tagapagpasulong ang kabuhayang Tsino para sa kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng