Sa national working meeting tungkol sa pagpigil sa baha at pakikibaka laban sa tagtuyot na idinaos sa Nanchang, probinsyang Jiangxi ng Tsina, nitong Biyernes, Hunyo 21, 2019, ipinaalam ang mahalagang instruksyon ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Premyer ng bansa.
Sinabi ni Li na ang pagpapabuti ng mga gawain ng pagpigil sa baha at pakikibaka laban sa tagtuyot ay may kaugnayan sa pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at sa kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan. Hinding hindi dapat luwagan ang pagpapahalaga sa gawaing ito, aniya pa.
Sa kasalukuyan, pumasok na ang Tsina sa panahon ng madalas na pagbaha, at nahaharap ang nasabing gawain sa masalimuot at mahirap na situwasyon. Ipinagdiinan ng premyer Tsino na dapat ipauna ng iba't-ibang lugar at departamento ang gawain ng flood control at drought relief.
Salin: Li Feng