Ipinahayag sa Beijing Martes, Abril 16, 2019, ni Peng Huagang, Tagapagsalita ng Komisyong Tagapagsuperbisa at Tagapamamahala sa mga Ari-arian ng Estado ng Tsina, na noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, matatag at mabuti ang pagtakbo ng produksyon at negosyo ng mga bahay-kalakal na sentral ng Tsina, at napapanatili ng mga pangunahing economic index ang mainam na paglaki.
Ayon kay Peng, ang pagtatamo ng mainam na tunguhin ng pag-unlad ng mga nasabing bahay-kalakal ay dahil sa sustenableng pagpapalalim ng reporma ng Tsina, pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, at napakalaking potensyal ng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng