|
||||||||
|
||
Mula Hunyo 20 hanggang 21, 2019, isinagawa ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang dalaw-pang-estado sa Hilagang Korea. Sa pagtatapos ng biyaheng ito, inilahad ni Song Tao, Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng CPC, ang kalagayan ng pagbisita ni Xi.
Sinabi ni Song na nataon ang nasabing biyahe ni Xi sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hilagang Korea. Ito rin aniya ay kanyang unang biyahe sa Hilagang Korea sapul nang manungkulan si Xi bilang pinakamataas na lider ng partido at bansa na may napakalaking katuturan para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong siglo. Bukod dito, ang nasabing biyahe ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para mapasulong ang proseso ng kalutasang pulitikal sa isyu ng Korean Peninsula at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng peninsulang ito, aniya.
Diin din ni Song, kapansin-pansing bunga ang natamo ng biyahe at naisakatuparan ang inaasahang target.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |