Makaraang ipinid nitong Biyernes, Hunyo 21, 2019, ang Chinese stock market, nailakip ng FTSE Russell, ikalawang pinakamalaking indexing company sa daigdig, ang A shares sa Global Equity Index Series nito. Matapos itaas ng MSCI, pinakamalaking indexing company sa daigdig, ang inclusion ratio ng A shares noong katapusan ng nagdaang buwan, ito ang isa pang magandang impormasyon para sa Chinese capital market. Ipinakikita nito na hindi lamang napapanatili ng mga mamumuhunang pandaigdig ang investment needs sa capital market ng Tsina, kundi nagiging malaki ang kanilang kompiyansa sa prospek ng kabuhayang Tsino.
Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomya sa daigdig, ang Chinese capital market ay di-maihihiwalay na bahagi sa global assets allocation. Sa kasalukuyang epekto ng paglala ng trade friction at iba pa, tumaas ang elementong kawalang-katatagan sa global assets market. Sa kalagayang ito, nananatili pa ring matatag ang pagtakbo ng kabuhayang Tsino, at malinaw ang katangian ng capital market ng Tsina na mababa ang panganib at matatag ang benepisyo. Dahil dito, nagiging mas kaakit-akit ang stock market ng Tsina para sa mga mamumuhunang pandaigdig. Ito rin ang mahalagang dahilan kung bakit magkasunod na nagkaloob ng mabuting atityud at hangarin ang dalawang malaking global indexing companies sa A shares ng Tsina.
Sa hinaharap, patuloy na isasagawa ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at walang humpay na palalawakin ang mga tsanel para sa pagpasok ng mga mamumuhunang pandaigdig sa Tsina upang maging mas kaakit-akit ang pamilihang Tsino. Ang Chinese assets ngayon ay nagsisilbing pamantayan ng ari-ariang pandaigdig.
Salin: Li Feng