Pinanguluhan nitong Miyerkules, Hunyo 26, 2019, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pulong ng Konseho ng Estado ng bansa kung saan nagpasiyang ibayo pang pababain ang real interest rate sa pautang ng mga makro at maliit na bahay-kalakal, at isagawa ang mga hakbangin ng pilot reform sa serbisyong pinansiyal para sa nasabing mga bahay-kalakal ng bansa.
Bukod dito, palalawakin ng bansa ang pangingilak ng mga kompanya ng pondo sa pamamagitan ng intellectual property at pagsuplay ng kredit sa industriya ng paggawa. Layon nitong pasulungin ang pag-unlad ng inobasyon at real economy.
Salin: Li Feng