Ayon sa datos na isinapubliko Miyerkules, Marso 14, 2018, ng panig opisyal ng Tsina, noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon, bumilis ang produksyong industriyal , masigla ang konsumo, matatag sa kabuuan ang presyo ng mga paninda, at bumubuti ang kalagayan ng paghahanap-buhay sa lipunan. Ipinahayag nang araw ring iyon ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na may kondisyon at kompiyansa ang bansa sa pagsasakatuparan ng halos 6.5% na inaasahang paglaki ng kabuhayan at pagkakaloob ng sapat na trabaho.
Tungkol sa pamumuhunan, noong unang dalawang buwan ng taong ito, lumaki ng 7.9% ang fixed assets investment ng Tsina kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ito ay napanatili ang tunguhin ng matatag na paglaki.
Salin: Li Feng