Nag-usap Hunyo 29, 2019, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa Osaka, Hapon at sumang-ayon ang dalawang lider na pasulungin ang relasyon ng Tsina at Amerika na batay sa koordinasyon, kooperasyon at katatagan.
Tinukoy ni Xi na ang relasyon ng Tsina at Amerika ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig. Aniya, ang kahirapan sa relasyon ng Tsina at Amerika ay hindi angkop sa interes ng dalawang panig, at kahit may pagkakaiba, malawak ang mga larangan ng kooperasyon. Mungkahi ni Xi na huwag hayaang masadlak ang relasyon sa deadlock, kundi suportahan ang pag-sulong at pag-unlad ng isa't isa.
Binigyan-diin ni Trump na hindi niya kinakalaban mismo ang Tsina, at umaasang magiging pabuti nang pabuti ang relasyon ng dalawang bansa. Pinahahalgahan niya ang mainam na ugnayan kay Xi at nakahandang panatilihin ang kooperasyon nila ng Tsina.
Salin:Lele