|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Hulyo 1, 2019, naganap sa Hong Kong ang isang grabeng marahas na insidente. Nagkabuhol-buhol ang trapiko sa mga pangunahing lansangan dahil sa aksyon ng mga ekstrimista. Sinalakay rin nila ang mga pulis sa pamamagitan ng chemical powder, sinugod ang gusali ng Legislative Council ng Hong Kong sa marahas na paraan, at buong tikis na sinira ang mga instalasyon ng Legislative Council. Matapos ang insidente, buong tinding kinondena ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ang marahas na kilos ng mga ekstrimista, at hiniling sa panig pulisya na komprehensibong siyasatin at mabigat na panagutin sa batas ang mga may-kagagawan.
Ang nasabing marahas na insidente ay yumurak sa pangangasiwa batay sa batas, nakasira sa kaayusan ng lipunan, at nakapinsala sa pundamental na kapakanan ng Hong Kong. Ito rin ay hayagang paghamon sa pundasyon ng simulaing "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Malinaw na ipinahayag ni Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na tiyak na pananagutin sa batas ang mga kriminal na gumawa ng naturang aksyon. Inilabas naman ng 42 mambabatas ng Pro-Establishment Camp ang kolektibong pahayag, kung saan nanawagan sila sa mga mamamayan na huwag pahintulutang masira ang kaayusang panlipunan. Samantala, nanawagan ang mahigit 60 grupo ng mga kabataan sa panig pulisya na siyasatin at parusahan ang mga may kagagawan sa lalong madaling panahon, para mapangalagaan ang pangangasiwa batay sa batas, seguridad at katatagan ng Hong Kong.
May lubos na kalayaan sa pagpaparada, demonstrasyon at pagtitipun-tipon ang mga taga-Hong Kong, sa ilalim ng garantiya ng saligang batas. Pinahahalagahan ng pamahalaan ng HKSAR ang mithiin ng mga mamamayan, pero di-nito matatanggap ang paghamon sa pundasyon ng lipunan, sa pamamagitan ng marahas na paraan, sa ngalan ng demonstrasyon.
Sa katuwiran ng pagtutol sa pagsusog ng mga ordinansa, pakana ng mga ekstrimista na sirain ang prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at pangangasiwa ng pamahalaan ng HKSAR. Buong tatag namang kinakatigan ng pamahalaang sentral ang paghawak ng pamahalaan at panig pulisya ng HKSAR sa marahas na aksyon, alinsunod sa batas, para mapanumbalik ang kaayusan ng Hong Kong at katahimikan ng mga mamamayan.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |