Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong 2018, umabot sa 77 taong gulang ang average life expectancy sa Tsina, bumaba sa 18.3 bawat 100 libo ang maternal mortality rate at bumaba rin sa 6.1‰ ang infant mortality rate. Ang mga ito ay mas mabuti kaysa karaniwang lebel ng mga bansang may katamtaman at mataas na kita sa daigdig.
Samantala, ayon pa rin sa estadistika, hanggang noong katapusan ng 2018, 997 libo ang kabuuang bilang ng mga institusyong medikal at pangkalusugan sa Tsina, mahigit 9.5 milyon ang kabuuang bilang ng mga tauhang medikal, at ang medicare system ay sumasaklaw sa mahigit 95% ng mga mamamayang Tsino.
Ang mga estadistikang ito ay nagpapakitang mabuting umuunlad ang mga usapin ng kalusugan, medicare, at medisina ng Tsina, at maliwanag na napabuti ang kalagayan ng kalusugan ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Liu Kai