Inilabas ngayong araw, Lunes, ika-27 ng Mayo 2019, sa Beijing, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, ang ulat hinggil sa mga usaping may kinalaman sa kalusugan ng mga babae at bata ng bansa.
Ayon sa ilang pangunahing estadistikang inilabas sa ulat, noong 2018, bumaba sa 18.3 bawat 100 libo ang maternal mortality rate; kaugnay nito, bumaba rin sa 6.1‰ ang infant mortality rate, at umabot sa 77 taong gulang ang average life expectancy. Ang mga ito ay mas mabuti kaysa karaniwang lebel ng mga bansang may katamtaman at mataas na kita ng daigdig, at nagpapakita rin ng pag-unlad ng kalagayan ng kalusugan ng mga babae at batang Tsino.
Salin: Liu Kai