Matapos aprubahan ni Hari Maha Vajiralongkorn, inilabas kahapon, Hulyo 10 ang listahan ng bagong gabinete ng Thailand. Kasalukuyang pormal na itinatatag ang bagong gubyerno pagkatapos ng halalan ng bansa.
Si Prayut Chan-ocha ay muling inihalal bilang Punong Ministro at magsisilbi ring Ministro ng Tanggulan. Ang dating mga Pangalawang Punong Ministro sa panahon ng military junta na sina Prawit Wongsuwan, Somkid Jatusripitak at Wissanu Krea-ngam ay patuloy na nanunungkulan sa dating posisyon. Ang pinuno ng Partido Demokratiko na si Jurin Laksanawisit ay hinirang bilang Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Komersyo. Samantala, ang pinuno ng Bhumjai Thai Party na si Anutin Charnvirakul ay nanunungkulan bilang Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Kalusugan. Ang pinuno ng National Power Partyna, dating Ministro ng Industriya, na si Uttama Savanayana, ang bagong Ministro ng Pananalapi. Ang Ministro ng Ugnayang Panlabas ay si Don Pramudwinai.
Salin: George Guo