|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Wattay International Airport, Laos ang seremonya ng pagsisimula ng electronic visa system ng Laos. Dumalo rito sina Sonexay Siphandone, Pangalawang Punong Ministro, Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, at mga diplomatang dayuhan sa bansang ito.
Si Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos
Ipinahayag ni Saleumxay na ang layon ng paggamit ng Laos ng e-visa system na magkaloob ng mas mabilis, maginhawa, at ligtas na porma para sa mga dayuhang turista. Bukod dito, ito ay nakakatulong sa pagpapalawak ng kooperasyong pandaigdig at pagpapabuti ng serbisyong pampubliko, aniya.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Laos, sa kasalukuyan, puwdeng gamitin ng tourist visa lamang ang nasabing sistema. Sa hinaharap, kasunod nitong bubuksan ang iba pang uri ng bisa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |