Ipinahayag kamakailan ni Uzaidi Udanis, Tagapangulo ng Malaysia Inbound Tourism Association (MITA), na sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang inbound tourism. Lalung lalo na, sapul nang isagawa ng pamahalaang Malay ang visa-free policy sa mga turistang Tsino noong nagdaang Marso, lumaki ng halos 74% ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa Malaysia.
Dagdag pa niya, itinayo na ng pamahalaang Malay ang one-stop service center para sa visa application sa Xiamen ng Lalawigang Fujian ng Tsina, at umaasang makakahikayat ng 4 na milyong person-time na turistang Tsino sa Malaysia sa kasalukuyang taon. Aniya, palalakasin ng MITA ang pakikipagkooperasyon sa mga dayuhang ahensyang panturismo, para mapasok ang mas maraming turistang dayuhan, lalung lalo na, mga turistang Tsino.
Salin: Vera