Ipinahayag Hulyo 16, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi totoo ang pananatili ng Amerika na humupa ang bilis ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina kaya posibleng makipagkasundo di-umano ang Tsina sa Amerika.
Inilathana, Hulyo 15, ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika ang mensahe sa Twitter, na nagsasabing nitong 27 taong nakalipas, naging pinakamabagal ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina noong ika-2 kuwarter ng taong ito. Ayon pa sa mensahe ni Trump, maraming bahay-kalakal ang lumilisan mula sa Tsina, kaya, nais ng Tsina na marating ang kasunduang pangkalakalan sa Amerika. Hinggil dito, tinukoy ni Geng na sa ilalim ng kalagayan ng paghupa ng kabuhayan ng daigdig at pagdami ng elemento ng kawalang-katatagan sa labas, noong unang hati ng taong ito, lumaki nang 6.3% ang kabuuang halaga ng produksyong Panloob (GDP) ng bansa, at ito ay nasa unang puwesto sa mga pangunahing ekonomiya ng daigdig.
Salin:Lele