Inilabas ngayong araw, Linggo, ika-21 ng Hulyo 2019, ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang white paper hinggil sa mga isyung pangkasaysayang may kinalaman sa Xinjiang.
Sinabi ng white paper, na ang Tsina ay bansang may maraming etnikong grupo, ang iba't ibang etnikong grupo sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ay kabilang sa pamilya ng nasyong Tsino, at sa mula't mula pa'y ang kapalaran ng Xinjiang ay may mahigpit na ugnayan sa kapalaran ng Tsina.
Anang white paper, dahil sa layunin ng paghihiwalay ng Tsina, ang mga puwersang ostilo sa loob at labas ng Tsina, lalung-lalo na ang mga separatista, ekstrimistang panrelihiyon, at terorista, ay sinasadyang pumipilipit ng kasaysayan hinggil sa Xinjiang.
Ayon sa white paper, ang Xinjiang ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina, at hindi hindi itong tinatawag na East Turkistan. Nabuo ang etnikong Uygur sa pamamagitan ng migrasyon at integrasyon, at ito ay bahagi ng nasyong Tsino. Samantala, may maraming kultura at relihiyon ang Xinjiang, ang kultura ng iba't ibang etnikong grupo sa Xinjiang ay umuunlad kasama ng kulturang Tsino, at ang Islam ay hindi likas at tanging relihiyong pananampalataya sa Xinjiang.
Dagdag ng white paper, sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na umuunlad ang kabuhayan ng Xinjiang, maharmonya at matatag ang lipunan, bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal, masagana ang kultura, at malaya ang relihiyong pananampalataya. Mahigpit na nagbubuklod ang mga mamamayan ng iba't ibang etniko, at ang Xinjiang ay nasa pinakamabuting yugto ng kasaganaan at kaunlaran sa kasaysayan, diin ng white paper.
Salin: Liu Kai