|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Hulyo 22, 2019 kay Mohammed bin Zayed Al Nahyan, Crown Prince ng United Arab Emirates, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa panahon ng globalisasyon, ang kooperasyon at win-win result ay dapat maging tumpak na landas ng pakikipamuhayan ng iba't-ibang bansa. Aniya, ang relasyon ng Tsina at UAE ay nagiging modelo ng pagkakaroon ng estratehikong kooperasyon ng mga bansa sa iba't-ibang lugar, na may magkakaibang kultura.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng UAE para walang humpay na matamo ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa ang mga bagong progreso at bigyan ng mas maraming benepisyo ang kanilang mga mamamayan.
Dagdag pa ng pangulong Tsino, dapat palalimin ng Tsina at UAE ang pagtitiwalaang pulitikal at estratehikong pagkokoordinahan. Aniya, itinuturing ng Tsina ang UAE bilang mahalagang estratehikong katuwang sa rehiyong Gitnang Silangan.
Ipinaabot naman ni Mohammed bin Zayed Al Nahyan ang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Ipinahayag niya na optimistiko ang kanyang bansa sa magandang kinabukasan ng pag-unlad ng Tsina. Lubos aniyang pinahahalagahan ng UAE ang pagpapalalim ng komprehensibo't estratehikong partnership sa Tsina. Sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina, patuloy na bibigyan ng suporta ng UAE ang Tsina, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |