Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa United Arab Emirates (UAE), inilabas Miyerkules, Hulyo 18, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang may lagdang artikulong pinamagatang "Magkakapit-bisig na Aabante para sa mas Magandang Kinabukasan," sa mga pahayagang "Al Ittihad" at "National" ng UAE.
Anang artikulo, sa paanyaya ni Pangulong Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, magsasagawa si Xi ng dalaw-pang-estado sa UAE sa ika-19 ng Hulyo. Ito ang unang pagdalaw niya sa kasalukuyang taon, at ang UAE ang unang bansang Arabe na dadalawin niya, sapul nang muli siyang manungkulan bilang pangulo ng bansa.
Anang artikulo, sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, magkasamang itatakda ng mga lider ng dalawang bansa ang blueprint ng kooperasyon, at gagalugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon.
Salin: Vera