|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Hulyo 22, 2019, dumalaw sa Hapon si John Bolton, National Security Advisor ng Estados Unidos, at nakipag-usap sa kanyang Japanese counterpart na si Syotaro Yachi. Nagkaroon sila ng konstruktibong talakayan tungkol sa malawakang tema.
Sa katuwiran ng proteksyon sa seguridad ng mga barkong sibil, sinimulan kamakailan ng Amerika, kasama ng iba pang bansa, ang magkakasanib na pagpapatrolya sa mga karagatang tulad ng Strait of Hormouz. Tinanggap na ng maraming bansa ang imbitason mula sa Amerika.
Ayon sa pagtaya ng mediang Hapones, ang pag-anyaya o hindi ng panig Amerikano sa Hapon sa nasabing magkakasanib na patrolya, ay posibleng maging pokus ng naturang pag-uusap.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |