|
||||||||
|
||
White House — Nag-usap nitong Biyernes, Pebrero 10, 2017, sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Ipinahayag nila na palalakasin ng dalawang bansa ang relasyong pang-alyansa ng dalawang bansa sa larangang panseguridad, at palalalimin ang kanilang bilateral na pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Sa magkasanib na pahayag na inilabas pagkaraang mag-usap ang dalawang lider, nangako ang Amerika na gamitin ang lahat ng puwersang militar nito na gaya ng sandatang karaniwan at nuklear upang maproteksyunan ang Hapon. Hindi anito nagbabago ang pangakong ito.
Sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan naman, ipinagdiinan ng dalawang lider na dapat palalimin ang bilateral na kalakalan at relasyong pampamumuhunan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |