|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas nitong Biyernes, Hulyo 26, 2019 ng Ministring Panlabas ng Timog Korea, sinabi nito na nag-usap sa telepono nang araw ring iyon ang mga Ministrong Panlabas na sina Kang Kyung-wha ng Timog Korea at Taro Kono ng Hapon para talakayin ang mga isyung gaya ng trade friction ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, makaraang isagawa ng Hapon ang control measures sa ilang iniluluwas na produkto sa Timog Korea, ito ang unang direktang diyalogo ng dalawang Ministrong Panlabas.
Sa pag-uusap, hinimok ni Kang Kyung-wha ang Hapon na agarang kanselahin ang naturang hakbangin ng pagkontrol. Nanawagan din siya sa panig Hapones na huwag gumawa ng anumang hakbanging ibayo pang magpapalala sa relasyon ng dalawang panig. Inulit naman ni Taro Kono ang posisyon ng Hapon sa mga kaukulang isyu.
Bukod dito, tinalakay din ng dalawang panig ang tungkol sa paglulunsad kamakailan ng Hilagang Korea ng projectile.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |