Ipinahayag Lunes, Hulyo 22, 2019 ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na buong sikap na pasusulungin ng kanyang pamahalaan ang may inobasyong paglaki ng industriya ng pagyari ng bansa, para harapin ang mga hakbanging pangkalakalan ng Hapon na gaya ng limitasyon sa pagluluwas sa Timog Korea.
Ani Moon, ang hegemonismong teknikal ay hindi lamang nakakapinsala sa kaayusan ng malayang kalakalan, kundi nagsasapanganib din sa pambansang kabuhayan ng Timog Korea. Kaya aniya, ang pagbuo ng may inobasyong puwersa batay sa bagong teknolohiya ay isa sa mga mahalagang kalutasan, lalong lalo na, sa aspekto ng produksyon ng piyesa at hilaw na materyal. Ipinangako niya ang puspusang pagkatig ng pamahalaan sa pagpapataas ng kakayahang kompetetibo ng industriya ng piyesa at hilaw na materyal, at inobasyon ng industriya ng pagyari.
Noong unang dakong buwang ito, ipinatalastas ng pamahalaan ng Hapon ang pagpapalakas ng limitasyon sa 3 hilaw na materyal ng industriya ng semiconductor na iniluluwas sa Timog Korea, bagay na humantong sa walang humpay na pagsidhi ng alitang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Vera