|
||||||||
|
||
Si Chen Xu, Pirmihang Embahador ng Tsina sa UN sa Geneva
Ayon sa naunang ulat, ipinadala na ng mga pirmihang embabador ng ilang bansa sa Geneva ang magkakasanib na liham sa United Nations (UN) Human Rights Council (UNHRC) at UN Human Rights envoy kung saan positibo nilang pinapurihan ang natamong progreso ng Tsina sa usapin ng pag-unlad ng karapatang pantao, at bunga ng paglaban sa terorismo at anti-extremism, at nagpahayag sila ng pagkatig sa posisyon ng Tsina sa isyung may kaugnayan sa Xinjiang. Hanggang sa kasalukuyan, mas maraming bansa ang kalahok dito na umabot sa 50 ang bilang ng mga bansang kumakatig sa Tsina.
Karamihan sa mga dayuhang diplomatang nagpadala ng nasabing magkakasanib na liham ay minsa'y nagpunta sa Tsina at nakita mismo ang totoong kalagayan at kaganapan sa Xinjiang. Anila, sa kanilang biyahe sa Xinjiang, ang kanilang nakikita ay ganap na iba sa mga ini-uulat na kalagayan ng mga mediang kanluranin. Hinihimok din nila ang mga bansa na agarang itigil ang walang batayang pagbatikos sa Tsina sa pamamagitan ng mga di-tunay na impormasyon.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, tinukoy ni Chen Xu, Pirmihang Embahador ng Tsina sa UN sa Geneva, na alinsunod sa batas, isinasagawa ng rehiyong awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ang isang serye ng hakbangin para pigilan at bigyang-dagok ang terorismo at alisin ang ekstrimismo, bagay na nagpabuti nang malaki sa kalagayang panseguridad ng rehiyong ito. Aniya, nitong halos tatlong taong nakalipas, walang nangyaring marahas na insidente sa Xinjiang, at matatag ang lipunan, nagkakaisa ang mga nasyonalidad, maligaya ang mga mamamayan doon. Taos-puso nilang sinusuportahan ang mga nagawang polisya at hakbangin ng pamahalaan, aniya pa.
Karamihan sa 50 bansang nagpadala ng magkakasanib na liham ay mga miyembro ng Organization of Islamic Cooperation (OIC). Ani Chen, ito ang pinakamabuting patunay mula sa komunidad ng daigdig sa natamong progreso at bunga ng Tsina sa mga usapin ng Xinjiang.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |