|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng mga dalubhasang dayuhan na ang bagong labas na white paper ng Tsina hinggil sa Xinjiang ay nakakatulong sa buong daigdig na alamin nang mas marami ang hinggil sa rehiyong awtonomo na ito. Pinabulaanan din anila ng white paper ang mga baligho at baluktot na pananalita hinggil sa Xinjiang sa pamamagitan ng katotohanan.
Isang white paper na pinamagatang Mga Isyung Historikal Hinggil sa Xinjiang ang inilabas nitong Linggo, Hulyo 21 ng pamahalaang Tsino. Nakasaad sa white paper na matagal nang di-mahihihiwalay na bahagi ng Tsina ang Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina, at hinding hindi ito kabilang sa di-umano'y East Turkistan. Magkakasamang nakikipamuhayan sa Xinjiang ang iba't ibang lahi na may iba't ibang pananampalataya, anang dakumento.
Sinabi ni Sonia Bressler, manunulat at sinolohista ng Pransya, na mababasa sa white paper ang kasaysayan at katotohanan hinggil sa Xinjiang. Nakadalaw na si Bressler sa Xinjiang. Kaugnay nito, sinabi niyang binubuo ang Tsina ng 56 na etnikong grupo at huwaran ng etnikong harmonya ang Xinjiang.
Sinabi naman ni Abdulaziz Alshaabani, dalubhasa sa mga isyung Tsino ng Saudi Arabia na kailangang igalang at maintindihan ng komunidad ng daigdig ang pagsisikap ng Tsina para mapasulong ang kaunlarang pangkabuhayan at katatagang panlipunan sa Xinjiang, batay sa sariling kalagayan. Mabisa aniya ang nasabing mga pagsisikap para masugpo ang ekstrimismo at terorismo.
Si Nasser Abdel-Aal, propesor at dalubhasa sa mga isyu ng Tsina mula sa Ain Shams University sa Cairo, ay nakadalaw rin ng Xinjiang. Sinabi niyang sapul noong Dinastiyang Han, pormal na isinama ang Xinjiang sa teritoriyo ng Tsina, na kinumpirma ng mga pangkasaysayang lugar sa Xinjiang. Saad niya, hindi kailanman binabalewala ng pamahalaang Tsino ang kultura at wika ng mga etnikong Uygur ng Xinjiang.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |