|
||||||||
|
||
Kasalukuyang tinatamasa ng mga batang Tsino ang bakasyon sa tag-init. Makikita sa mga larawan ang mga nagbabakasyong estudyante habang dumadalo sa mga aktibidad na inilunsad ng Zhixiang Robot Makers' Center ng komunidad ng Yong'an Street, Distritong Shuangqiao, Lunsod Chengde, Lalawigang Hebei, sa dakong hilaga ng Tsina.
Kabilang sa mga aktibidad ang pagdidisenyo at pagkakabit-kabit ng robot, at pagpapalipad ng drone. Layon nitong maragdagan ang kaalamang pansiyensiya't panteknolohiya ng mga bata at payamanin ang kanilang bakasyon.
Isang bata habang nagkakabit ng robot (larawang kuha noong Hulyo 25, 2019)
Mga bata habang kumokontrol ng drone (larawang kuha noong Hulyo 25, 2019)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |