Ayon sa pahayag ng White House Lunes, Hulyo 29, 2019, nag-usap kamakailan sa telepono sina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya. Sinang-ayunan ng kapuwa panig na palakasin ang bilateral na relasyong pangkabuhayan pagtapos ng pag-alis ng Britanya sa Unyong Europeo (EU) o Brexit.
Ito ang kauna-unahang pormal na pag-uugnayan ng dalawang lider sapul nang manungkulan si Johnson bilang punong ministro ng Britanya.
Anang pahayag, tinalakay ng mga lider ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng espesyal na relasyon ng Amerika at Britanya. Sinang-ayunan nilang pagkaraang umalis ng Britanya sa EU, agarang palalalimin at palalawakin ang bilateral na relasyong pangkabuhayan.
Salin: Vera