Ipinahayag ng Tsina ang kahandaan na magsikap, kasama ng panig Britaniko para patuloy na mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Winika ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Hulyo 25, kaugnay ng pahayag ni bagong Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya. Sa panayam sa Phoenix TV nitong Martes, Hulyo 23, sinabi ni Johnson na ang kanyang pamahalaan ay maka-Tsina at masigasig sila sa Belt and Road Initiative (BRI). Ang Britanya ay mananantili pa ring pinakabukas na pamilihan sa Europa para sa puhunang Tsino, dagdag pa ni Johnson. Ipinahayag din ng bagong punong ministrong Britaniko ang mainit na pagtanggap sa mga estudyanteng Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac