Shanghai — Mula noong Hulyo 30 hanggang 31, 2019, idinaos ang ika-12 mataas na pagsasangguniang Sino-Amerikano tungkol sa kabuhayan at kalakalan na magkakasamang pinanguluhan nina Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina at puno ng delegasyong Tsino sa trade talks; at Robert Lighthizer, kinatawang pangkalakalan ng Amerika, at Steven Mnuchin, Kalihim ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika.
Ayon sa mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa Osaka Summit, nagkaroon ng matapat, mabisa, at konstruktibong diyalogo ang dalawang panig tungkol sa mga mahalagang isyung kapwa nila pinahahalagahan sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Nakatakdang isagawa ng Tsina ang susunod na trade talks sa Amerika sa darating na Setyembre.
Salin: Lito