Sa regular na news briefing Huwebes, Agosto 1, 2019, isiniwalat ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sapul noong Hulyo 19, isinagawa ng ilang bahay-kalakal na ari ng estado at pribadong bahay-kalakal ng Tsina ang pag-uusisa tungkol sa pagbili ng mga produktong agrikultural mula sa Amerika na gaya ng munggo, karne at sorghum, at batay sa kondisyon ng pamilihan, narating ang transaksyon sa isang pangkat ng mga produktong agrikultural.
Ani Gao, hiniling ng mga kaukulang bahay-kalakal ang pag-aalis ng karagdagang taripa sa nasabing mga produkto. Sinusuri ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina ang kaukulang aplikasyon, at hahawakan ang mga ito, alinsunod sa prosedyur.
Salin: Vera