Huwebes, Agosto 1, 2019 ay ang kaarawan ng People's Liberation Army (PLA). Hinggil dito, sa mula't mula pa'y buong tatag na iginigiit ng Tsina ang patakarang "depensa lamang." Aktibong isinasabalikat ng tropang Tsino ang responsibilidad na pandaigdig bilang tropa ng isang malaking bansa, komprehensibong pinapasulong ang pandaigdigang kooperasyong militar sa bagong panahon, at buong sikap na ginagawa ang ambag para sa pagtatatag ng magandang mundo na may pangmatagalang kapayapaan at unibersal na seguridad.
Ayon sa datos, sapul noong 2012, idinaos ng Tsina, kasama ng mahigit 30 bansa ang mahigit 100 magkasanib na pagsasanay. Ang nilalaman ng mga pagsasanay ay hindi lamang sa larangan ng di-tradisyonal na seguridad, kundi rin sa larangan ng tradisyonal na seguridad.
Hanggang noong Disyembre ng 2018, sumali ang tropang Tsino sa 24 na aksyong pamayapa ng United Nations (UN), at nagpadala ng mahigit 39,000 person-time na tauhang pamayapa. Kabilang dito, 13 sundalong Tsino ang nagsakripisyo ng sariling buhay sa misyong pamayapa.
Salin: Vera